Saturday, November 1, 2008

Unsatisfied Life


Does satisfaction exist in this world? You, are you satisfied in your life? Where could I find the real satisfaction? Buhay na okay na, nakakasurvive pero may hinahangad pa rin. Tulad sa buhay ng isang mayaman, may pera na, lahat ng gusto nasusunod pero ang pagmamahal naman ang kulang. But they doesn't know how to make theirselves satisfied. Sa isang mahirap iniisip nila na kapag naging mayaman na sila saka lang sila magiging okay, pero tingin ba nila after nilang maging mayaman walang magbabago? Lahat ng bagay dito sa mundong walang kasiguraduhan pilit na nakikipagpaligsahan makamit lang ang mga pangarap.


Ang iba, after they dreams come true okay na, wala na silang pakialam. Sabi pa ng iba "Okay na, pwede na kong mamatay pagnangyari yun." Masasabi mo lang dahil hindi pa dumadating ung araw na yun. Pero pag natupad na yun, may magbabago, may gusto ka ulit baguhin. Mga bagay na hindi mo tunay na naiintindihan. Mga bagay na nakakabulag, bagay na pilit kang hinihila para makagawa ng masama.


Ang isang tao tuluyang nawawalan ng pag-asa kapag nakagawa ng mali. Yung ibang mahihirap para lang magkaron ng makakain, iniisip nila na magnakaw na lang dahil yun na lang yung natitirang mabilis na paraan. Hindi naman natin sila masisisi, dahil maging ang ibang mayayaman nagnanakaw na rin. Kaya lalong nagugulo ang mundo dahil sa mga taong naghahanap ng kakuntentohan sa buhay.


Kung ikaw, sa sarili mo mas pipiliin mo bang gumawa ng masama para lang makuha ang inaasam mo? O tutuloy ka sa tuwirang paraan, kahit walang kasiguraduhan na makakamit mo nga ang inaasam mo. Alam ko, lahat ng tao may inaasam, lahat ng tao may gustong makamit. Pero okay lang ba sayo na mamatay ka ng hindi mo pa nakakamit ang pangarap mo? Mamatay ka ng hindi ka man lang masaya, inshort unsatisfied life.

No comments: