
Yes!! Babalik nanaman ako sa pagiging music lover. Ang galing nang S.O.P kanina, kasi antagal ko nang hindi nakikita si Ely dahil nga na ospital siya. Then, ang tagal ko din kasi tumigil sa pakikinig ng mga modern bands. Lalo na't lately puro RnB songs ung pinapakinggan ko.
At last, ito na yung time. Malalaman na kung sino mas sikat sa fans. Ubusan na naman ng load para sa pambatong banda. Pati mga band members hindi na rin magkaugaga para lang iboto sila. Last time akong naging updated sa band ng Chicosci yung nanalo sila sa MTV Asia Awards. Mananalo kaya ulit ang Chicosci ngayon?
Basta, sa mga Callalista boto lang ng boto sa Callalily, sa mga Vampires boto lang ng boto sa Chicosci, sa mga fans ng Sandwich boto lang din ng boto para sa Sandwich, sa mga Pupilars boto lang ng boto sa Pupil. Good Luck sa lahat ng banda! Lahat kayo bet ko!




No comments:
Post a Comment