Saturday, November 1, 2008

Band War became Personal War



Mga teenagers talaga, adik na sa banda ngaun. Pati away ng mga banda pinapakelaman nila. Ang mga fans at haters ng isang banda patuloy na nagsisiraan. Kaya walang stable rank ang mga banda ngayon ee. Paano ba naman pag siniraan ng isa lilipat sa kabila tas pag pinag tanggol babalik. Yung iba pa, pati personal na katauhan ng band member pinapakelaman, tulad ng sa Chicosci bakla daw si Miggy. Tas, nagbanggit ng pangalan ung isa, sabi naman nung isa bakla din daw si Craig Mabbit.

Kaya halos lahat ng mga teens ngayon hindi magkasundo dahil lang sa simpleng bagay na pinapalaki. Totoo, nagkalat ang mga music lovers ngaun, pero tama ba na pag awayan ang mga banda na sa totoong personalidad naman ay magkakaibigan ang mga bandang pilit pinag-aaway. Sa panahon ngayon, hindi na maiwasang magsiraan, kabilaan ang bangayaan, minsan dumadaan sa usapan na hindi naman connected.

One time, sumali ako sa isang group sa friendster "Chicosci Vampire Social Club". Magugulantang ka sa mga usapan, nakakabaliw ung mga binibitawang salita. Kung sa isang inosenteng bata, nakakadiring malaman, pero para sa kanila normal na yun. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nila pinipilit na ipagtanggol ang bawat band members na binabanggit nila. Wala namang award, hindi rin naman yun yung daan para maging close sila. Kasi kahit ano pang ipost mo dun, hindi rin yun mababasa isa-isa ng mga band members na pinagtatanggol nila.

Alam nilang nagsasayang lang sila ng oras, pero nag-eenjoy sila. Ginagawa nilang pampalipas oras ung pikikipag-away. Tapos pag nasiraan nila ung isang tao, tuwang-tuwa. Halos hindi na pinapansin ang mga pag-uugali ngayon, basta lang maipagtanggol ung idol nila. Kahit nga yung ibang babae na nandun, kahit na nakaka wa poise na ung sinasabi nila okay lang, kahit medyo bastos. Syempre, para makasunod sa uso. Yung iba naman pinipilit na magpanggap na magaling kahit hindi naman.

Mga taong nag yayabang na wala pang nararating. Kakaiba, kasi nangangarap pa lang sila nagyayabang na agad sila. Kung makapasalita akala mo magaling na, pilit na nagsasapawan, sa huli sabay lang sila sasabog.

No comments: